Lunes, Enero 28, 2013

Ang Tunay kong nararamdaman





Heto na naman ako hindi makatulog dahil sa sobrang pag-iisip. Natatalo ako palagi ng mga problema ko, heto at puyat na naman. Kailangan ko talaga ilabas itong mga iniisip ko, at eto lamang ang paraan na alam ko, ang mag-sulat at ikuwento lahat ng nasa isip ko.
            Galit ako sayo, kasi masaya ka na sa buhay mo kahit wala ako na halos hindi mo na ako maalala. Na ngayong mga panahong ito kita mas kailangan pero hindi mo ako iniintindi mas iniintindi mo ang mararamdaman ni rizza kesa sa akin, mas malaki ang problema ko baka nakakalimutan mo.walang mawawala sa kanya at maniwala ka o hindi, hindi ka kawalan sa kanya. Ngayon kita mas kailangan, yun suporta mo,yun pag-aalaga mo. Pro ni hindi mo ako maintindi. Ang hirap at ang sakit. Nagagalit na ako sa iyo, ayoko magtanim ng galit sayo pero hindi ko mapigilan. Ayoko mag-ipon ng galit, katulad ng ginawa mo sa akin, ayoko nitong nararamdaman ko. Ayoko din mawala ang pagmamahal ko at mapalitan ng galit ang puso ko. Wag mo akong gawing ganito, hindi ako magiging masaya kung magtatanim ako ng galit sa iyo. Wag mo sana akong pabayaan at panindigan mo ang mga dapat mong panindigan, kahit papaano bilang lalaki panindigan mo ang dignidad mo. Panindigan mo ang mga ginawa mo, may tiwala ako sayo. Kalimutan mo na siya, kahit pagod na ako kakasabi nun sayo, iyon at iyon pa din ang sasabihin ko. Ganun din sa kanya kahit ilang beses na ako nakiusap sa kanya na tigilan ka na nya, patuloy ko pa din gagawin hanggang sa mag-sawa na din ako isang araw. Hay sayang talaga ang pagmamahal ko sayo, mukhang di mo na kaya pang suklian ito. Sayang ang magandang relasyon ko sa pamilya mo, mahal ko sila. At sobra akong nagpapasalamat sa pagtanggap nila sa akin. Isa din siguro yun sa mga dahilan kung bakit patuloy pa din ako, kung bakit ang hirap sumuko para sa ating dalawa, kahit na ang totoo wala na ito sa iyo. At sa iyo malabo na talaga magkaroon pa ng pagkakataon yung ating dalawa. Alam mo naman na sobra kitang mahal. Yun lang ang hirap na, unti unti nawawalan na din ako ng pag-asa.
Ang nararamdaman ko ngayon galit,takot at panghihinayang. Galit dahil sa lahat ng mga pangako mo na hindi mo napanindigan, oo't nagkamali ako, pero sana buksan mo ang isip mo. Hanapin mo sa puso mo, ikumpara mo ang ginawa mo sa ginawa ko. Tingnan mo kung alin ang mas masakit, sino ang sumuko at bumitaw? Sino ang nagpatuloy at di sumuko kahit mag-isa? Takot din ako, sa lahat ng mga nagyayari nakakatakot ng sumugal muli, nakakatakot ang mga bukas dahil sa mga ngayon na hindi ko maunawaan. Natatakot akong dumating ang araw na kailanganin kita pero wala kana. Panghihinyang sa mga bagay na nawala ko, mga pagkakataon na puwede pa sana kita makasama at maging masaya tayo. Nanghihinayang akong nawala ang pag-ibig mo. Pero paalala mahal ko, nagkamali man ako, desisyon mo pa din ang magkagusto sa iba, hindi ko iyan pinilit sa iyo. Kaya wag mo sanang isisi sa akin lahat, aminado naman ako sa mga mali ko, tanggap ko yun at unti unti binabago ko na. Naghihinayang ako sa lahat. Ang hirap talaga ng sitwasyon natin, pero nakakatawa ako lang yung nahihirapan, parang ikaw sobrang ok ka lang. Ni hindi mo nga ako iniisip, mas iniisip mo pa siya, maalala mo lang ako kapag wala na siya. At kapag nandiyan siya ni halos hindi mo na ako kilala. Kakapagod maghabol sa taong hindi man lang lumilingon. Nakakapagod. Nakakasawa. Sabi nila gawin ko lang daw yun mga bagay na makakapagpasaya sa akin heto at ginagawa ko, kahit masakit umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Kahit sobrang sakit na ng mga kapalit ng paghihirap ko. Patuloy pa din ako, pero tama sila eh habang buhay may pag-asa. At di ba nga katulad ng sinasabi ko sayo dati na kung hindi tayo aasa lalong walang tyansa. Chance is given to those who believes.  Pero ang gulo din naman kasi naiisip ko din yun sinasabi ng mga tao na maikli lang ang buhay kung hahayaan ko ang sarili ko malugmok sa kalungkutang ito, sayang ang oras na puwede naman ako maging masaya. Pero mas pinipili ko pa din magintay at umasa kahit alam kong malabo na. Kahit sinabi mo pa na 25% na lang over 100% ang chance na magkaayos pa tayo. I don't care as long as mahal kita i'm still hoping. Until dumating yun time na ako na mismo sa sarili ko ang susuko, hindi dahil hindi na kita mahal, kundi dahil sobra na. At hindi ko na kaya.
-Cynthia Rivera
(dec 28, 2012- 12:05 am)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento