Linggo, Pebrero 3, 2013

Ang sukatan ng pagiging isang tunay na lalaki, sa mata ng isang babae




Paano mo nga ba masasabing tunay na lalaki ang isang lalaki?
Sa mata naming mga babae, hindi sapat na batayan ang itsura ng isang lalaki para masabing isa siyang totoong lalaki. Marami diyan na sobra kung pumorma, ang ganda ng bihis, ang ganda ng katawan, yung iba macho pa, pero hindi naman totoo. Hindi din nasusukat ang pagiging lalaki sa gwapong mukha, kasi mas madalas kung sino pa ang gwapo sila pa ang hindi totoo, hindi ang mga pagiging beki o bakla ang tinutukoy ko.
Madaming lalaki pero iilan lamang sa kanila ang maituturing na totoo. Madaling maging lalaki pero mahirap patunayan.  Paano nga ba masasabi na totoo ang isang lalaki? Sa mata ng isang babaeng katulad ko, ang totoo lalaki ay hindi yung madaming babae. Yung tipong kahit saan pumunta may girlfriend o may kabit. Iniisip kasi nila na hangga’t kaya nilang buhayin ang babae ay ok lamang, o kaya hangga’t may pumapatol ay go lang. Abah teka, anong tingin ninyo sa mga babae koleksyon? Yun lang, nakakainis din minsan yung mga babaeng pumapatol sa mga lalaking committed na,kahit na alam nilang may asawa o boyfriend na papatulan pa din, katulad ng mga nagpapanggap na lalaki, hindi din totoo ang mga katulad nilang babae. Akala ng mga lalaki porket madami silang babae ay nakakadagdag sa pagkalalaki nila, duon sila nagkakamali! Sapagkat sa mata ng isang tunay na babae, salot ang mga lalaking madaming babae.^_^
Sa aming mga babae ang importante na ang isang lalaki ay marunong magpahalaga, magmahal, umunawa at may respeto sa mga babae. At katulad ng palagi ko naririnig na Ang isang tunay na lalaki ay may isang salita at kayang panindigan ang mga desisyon at mga pangako niya.
Iyan ang mga tatak ng pagiging tunay na lalaki, madaling maging lalaki pero mahirap magpakalalaki. Madaming nagpapanggap na lalaki, lalaki kung ituring hindi naman kayang patunayan ang pagiging lalaki.

Kaya’t ang hamon ko sa mga lalaking makakabasa nito: ”kaya mo bang patunayan na isa kang tunay na lalaki?”

Ang akda po ay opinyon ko lamang, bukas ako sa lahat ng suwestyon at puna. Hindi ko din po sinasabing lahat ng aking isinulat ay tama at akma sa lahat ng tao. Iginagalang ko din po ang opinion ng iba lalo’t hindi ko naman kabaro ang aking tinalakay. Salamat

Isusulat ko din po ang sukatan ng pagiging isang tunay na babae.

By ponsetia(January 22, 2013)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento