Mahal kita, hindi kita iiwanan. Iwan ka man ng lahat ng tao
sa mundo, sasamahan kita hanggang sa dulo.
Huwag ka ng malungkot maraming bagay lang talaga sa mundo
ang hindi nakalaan para sa iyo. Naniniwala akong darating din ang para sa iyo.
Natutuwa akong mukhang nalalampasan mo ang sakit, lungkot at
hirap ng masaktan at iapagpalit ng taong mahal mo. Naniniwala din akong kaya
mong panindigan ang mga desisyon mo, may tiwala ako sayo na alam mo ang
ginagawa mo. Hindi ka man naiintindihan ng ibang tao alam kong kaya mo. Hindi
ka basta bastang babae, hanga ako sayo sa maraming bagay. Angat ka sa iba,
magaling ka, matalino at maganda. Bulag lang ang hindi makakapansin sa
kagandahan mo. Mabait ka at tinong babae, hindi ka katulad ng iba na basta basta
lang. Hindi ka pumapayag na naapi ka ng iba, ipinaglalaban mo ang alam mo tama
at tinututulan ang mga nakikita mong mali. Magaling ka at angat s aiba pero
hindi ka din naman perpekto, pero saludo ako sayo na sa kabila ng mga
pagkakamali mo ay ginugusto mong itama ito at baguhin para sa sarili mo at sa
mga taong naapektuhan mo. Hanga din ako sayo kung paano mo hiharap ang mga
problemang dumarating sa buhay mo, oo't mkailang beses ka ng sumuko, at halos
bumigay na pero kalimutan mo na iyo ang mahalaga ay nalampasan mo lahat iyon at
heto ka mas lalaong tumibay. Ngayong alam mo na ang mga mali mo sanay huwag mo
ng gagawin ulet . Isa lamang ang hiling ko para sa iyo, na sana isang araw
makikita na kita na muling masaya. Umaasa akong darating agad ang araw na iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento