Lunes, Disyembre 24, 2012

Para sa lalaking mahal ko


ikaw na nakasama ko noong bata pa tayo,ikaw na bumuo sa pagkatao ko. Ikaw na lubos na nakapag pasaya sa akin, at ikaw din na nagparamdam at nagparanas sa akin ng sobrang sakit. Ikaw na sobra kong minahal, ang nag-iisang taong nakasama ko at napagbahagian ng buhay ko. Ikaw ang isa sa mga pinakaimportanteng parte ng buhay ko, hindi mabubuo ang kwento ng buhay ko kung hindi ka dumating at binigyang kulay ang bawat pangarap ko. Gusto ko panatilihing masaya at buo lahat ito.
Alam mo ba na sa tuwing gigising ako sa umaga ikaw agad ang nasa isip ko, iniisip ko kung paano tayo magkikita sa araw na yun, paano kapag nagkita tayo, anu-anong mga bagay kaya ang pwede natin gawin para mag-enjoy tayo. Iniisip ko din kung paano ba kita mapapasaya, gusto ko tumamatak sa isip at puso mo yung bawat segundo sa bawat araw na magkasama tayo. Para sa pagtanda natin marami tayong magagandang ala-ala na maari nating pagkwentuhan. Ikaw, ang gusto ko makasama sa pagtanda ko. Tayong dalawa ay magkatabi at inaalala ang lahat ng masasayang bagay na pinagsaluhan natin kahit pa nga siguro yung mga hindi gaanong magandang bagay at sabay natin pagtatawanan lahat ng mga nakalipas na pangyayari sa buhay natin kasi kahit anu mang problema ang dumaan at sumubok sa atin heto tayo at magkasama pa din. Iyan ang pangarap ko na gusto kong tuparin kasama ka. Ikaw na lalaking mahal ko. Alam mo bang masaya ang buhay ko dahil sayo, makita lang kita buo na ang araw ko. Kaya kabaligtaran ang nangyayari kapag hindi kita nakikita, para bang guguho ang mundo ko. Nalulungkot ako kasi alam ko na sa tuwing hindi kita  nakikita siya ang kasama mo. Pero anong magagawa ko, ikaw ang gusto ng puso ko. Para sa akin nag-iisa ka at walang taong makakahigit sayo. At handa akong ibigay sayo lahat ng kaya ko, maging masaya ka lamang. Kaya't heto ako minamahal kita ng tahimik, kahit hindi ganito ang gusto ko. Kahit na ang totoo ay gusto ko din suklian mo ang pagmamahal ko sayo, kahit alam kong hindi ako ang nakakapagpasaya sayo dahil hindi ako ang babaeng mahal mo. Handa pa din akong mag-intay at mahalin ka sa paraang kaya ko. Hanggang sa dumating ang araw na pinakaiintay ko, ang bumalik ka sa akin at handa ka nang mahalin ulet ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento