Linggo, Nobyembre 11, 2012

memoir


Alaala ng Pagibig na walang Hanggan
 by: Cynthia Rivera         

          Ang dating saya ngayon ay wala na, dahil sa madaming pagkakamali. Dahil sa mga pagsubok na hindi kinayang lampasan, ang dating kasing tigas ng pader na pagsasama ay nabuwag. Sayang, yan sigurado ang sasabihin ng mga taong makakaalam ng pinagdadaanan natin.
          Ako si Cynthia, kasalukuyang nag-aaral at graduating na ng college. Mayroon akong mahal siya si Kenneth, katulad ko ay graduating din siya. High school pa lang ay magkakakilala na kami, maganda ang naging simula namin. Isa siyang 2nd year student noon at ako naman ay 3rd year, noong magkakilala kami. May okasyon noon at ako ang nagbabantay ng booth namin, doon niya ako nakita. Lumapit siya sa akin at kunwaring bibili ng mga tinda ko, pero ang sadyang pakay niya ay alamin ang pangalan ko. “miss, magkano to? Anong pangalan mo?”. Noong una ay ayoko siya pansinin, pero sinabi ko din ang pangalan ko. Kinabukasan, bumalik siya at nakakainis na itinanong ulet ang pangalan ko. Doon kami nagsimula, ako ay isang presidente ng isang religious youth organization, at hindi ko alam kung sinasadya ng tadhana pero siya ay miyembro ng organisayong pinamumunuan ko. Dahil doon lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Dumating ang isang pagkakataon na kailangan ko silang kontakin, para malaman kung sasama siya sa gathering, kaya itinext ko siya sabi ko “di ko gusto na itext ka pero kailangan eh..” di ko na matandaan ang kasunod noon. Maraming activities ang aming club, at palagi siyang sumamasama, hindi ko pa alam noon na gusto niya ako. May mga nagsasabi man sa akin na ganun nga ang nararamdaman niya sa akin,palagi din akong inaasar ng mga kaibigan niya sa kanya, akala ko ay talagang tuksuhan lang, hindi ko agad ito pinaniwalaan, dahil sino ba naman ako para magustuhan ng isang tulad niya? Gwapo siya, matangkad maputi, madami nagkakagusto.. eh ako? Wala nga nakakapansin sa akin. Noong una iniiwasan ko siya, kasi naiilang ako. Maraming pagkakataon na nararamdaman ko na nagpapapansin siya sa akin, pero ayoko talaga isipin na gusto nya ako. Ayoko kasi masaktan, pero dahil sa patuloy niyang pagpaparamdam sa akin na espesyal ako, unti- unti ng nahulog ang loob ko sa kanya. Walang babaeng hindi maiinlove sa isang katulad niya. Sa mga gathering namin lalong napalapit ang loob ko sa kanya, ang ilan sa mga gathering na iyon ay noon sa liliw halos tatlong araw kami noon sa liliw,laguna. Masaya ako kasi madami kami, saka napapansin ko ang patingin tingin niya sa akin pati na din ang pag-aalala niya. Naalala ko pa na inaasar ako ni kuya jake, sabi niya wag daw ako asarin, natuwa ako sa pagtatanggol niyang iyon sa akin. Isa pa ay noong nasa micarelli kami, naalala ko na nagkaroon ng groupings at destiny ba o sinadya ko.. haha, oo sinadya ko alam ko na limahan kaya nakipagpalit ako kay ivy ng pwesto, ayun naging magkagroup kami, dapat daw may pangalan ang group tinanong kita sabi mo angel's group. Tapos nagkaroon tayo ng game na kailangan hawakan ang kamay ng katabi, magkatabi tayo, di ko makaklimutan yun pakiramdam na iyon. Saka noong nag-vonfire tayo tapos magkakahawak kamay, nasa  tabi kita at si kuya ruel ramdam ko nga noon na hinihigit ako ni kuya ruel pero ramdam ko din na ayaw mo ako bitawan. Ang init ng kamay mo at ang sarap hawakan. Napaka-swerte ko at minahal mo ako.. tumagal ng halos isang taon ang pagpapalipad hangin niya sa akin este panliligaw pala, medyo torpe kasi siya. Pero ramdam ko at alam ko naman yun gusto niya, di siya naalis sa tabi ko, palagi niya ako sinasamahan. Pinaparamdam niyang importante ako. Siya lang ang nagparamdam sa akin na babae ako. Noong araw na sinagot ko siya, sobrang saya ko. Unang lalaki na minahal ko ng totoo, siya ang first boyfriend ko, kahit pa nga di ako yun una nyang girlfriend para sa kanya ako ang una niyang minahal.tandang tanda ko yun araw na iyon, september 8, 2005 di ako sigurado sa oras pero sabi mo 6:45 pm yun. Ang saya ng pakiramdam, kahit na ang totoo di ko alam kung paano kita pakikitunguhan, kasi di ba nga first kita. Sa Bawat araw na lumilipas na kasama kita sobrang saya, di ko malilimutan ang mga kilig moments natin. Noong nagpunta tayo sa ilog highschool pa tayo, nakauniform pa tayo, ang tanda ko exam nun eh, niyaya kita dun kasi wala ako maisip na mapuntahan natin, inalalayan mo ako, hinawakan mo ang kamay ko, sobrang kilig ko noon. Namili tayo sa walter ng pagkain noon, bumili tayo ng chuckie, tandang tanda ko nagshare tayo doon, unang pagkakataon ko iyon, never ako nakipagshare ng pagkain ko kahit kanino. Naalala ko din noong JS promp natin, noong sinurpresa mo ako na ikaw ang lumabas sa stage imbis na kapartner ko, nagaalangan pa nga akong lumapit sayo kasi sabi ko sa sarili ko teka, hindi ito ang partner ko ah. Pero sobrang saya ko na ginawa mo yun, kahit yung mga tao sobra silang kinikilig sa ginawa mo. Di pa natapos dun ang sorpresa mo, tinanong mo ko kung gusto ko ng bulaklak, syempre sino ba namang babae ang tatanggi sa bulaklak mula sa prince charming niya. May dumaan na mga lalaki na may dalang bulaklak at humihingi ka, pero di ka nila binigyan kasi para sa kutilyon iyon. Akala ko yun na ang sinasabi mo na bulaklak. Ok lang naman sa akin kahit wala ang mahalaga kasama kita. Nagsimula na ang sayawan, nagpaalam ka saglit. Sabi mo may kakausapin ka lang, naiwan ako sa mesa natin, maya maya lahat ng mga kaibigan ko ay nagsipag-sayawan na. Ako na lang talaga naiwan sa lamesa natin, ang tagal mo naiinip na ako. Lumapit yun isa kong kaklase na lalaki niyaya ako magsayaw, pero tumanggi ako dahil ikaw ang gusto ko na una kong sayaw. Naiinip na ko, akala ko di mo na ko babalikan, hanggang sa tinawag mo ako, at paglingon ko, nakita ko ang boquet ng puting rosas na hawak mo. Halos maiyak ako noon, unang beses ko makatanggap ng bulaklak mula sa taong pinakamamahal ko. Hindi lang iyon madaming madami pang bulaklak, chocolates,efforts at pagmamahal ang ibinigay mo sa akin. Noong unang monthsary natin, di ko matandaan yun nangyari ng buong araw pero di ko malilimutan yung araw na yon dahil noong ko naranasan ang unang halik, nandun tayo sa taas ng gusali sa tanauan mejo gabi na noon, alam kong alam mo kung saan yun. ikaw kasi hinahalikan mo ako naiwas ako kasi nahihiya ako. Pero dahil makulet ka niyaya kita sa isang sulok at hinalikan ka kunwari, pero may takip na kamay ko. Pero tinanggal mo ang kamay ko at hinalikan mo ako. Nabigla ako. Di ko alam yun gagawin ko, Di ko malilimutan ang pakiramdam na iyon, ang sarap para bang nasa langit ako. Unang labi na dumampi sa labi ko, ang lambot. Kahit na halos isang segundo lamang iyo, smack lang pero iba kasi mahal kita. Naalala ko pa pag-uwi ko sa bahay sobrang saya ko, kinikilig ng sobra. Kahit ialng araw na yun nakalipas ramdam ko pa din yung halik mo.
          Hindi iilang beses mo akong sinurpresa, naalala ko noong 8th monthsary natin, nagtext ka sa akin sabi mo pumunta ako sa may shade, sabi ko bakit andun ka ba? Sabi mo wala nasa bahay ka. Nagdadalawang isip ako na pumunta doon,pero pumunta ako.. pagdating ko may bulaklak kulay puti at pink walong piraso. Wala ka, nagtatago ka pala sa likod. Sobrang kilig na naman ako. Isa pa ay Noong nagretreat kayo, nalungkot ako kasi ilang araw din tayo di nagkita, pero noong paguwi mo hindi man tayo nagkita, nagpadala ka kay gladys ng bulaklak, imported daisy kulay dilaw,pula at pink. May kasama pang rambutan at keychain ng imahe ni Mama Mary. Sabi mo nga inggit na inngit ang mga classmate mo. Ako nga eh di makapaniwala sa sobrang effort mo sa akin. Bawat okasyon ay may bulaklak ka na binibigay sa akin, monthsary, anniversary, valentines at iba pa.. isa pa sa di ko malilimutang sorpresa mo sa akin ay noong 3rd anniversary natin. Noong sinabi mo na magkita tayo sa santo.tomas sa plaza, kung saan kita sinagot. Sabi mo 10 a.m. Tayo magkita, dumating ako dun ng 10 nagantay ako pero wala ka, nag-antay pa ako maya maya may lumabas na isang lalaki na may hawak ng cartolina na may nakasulat na happy 3rd anniversary at may nakatali pang lobo. Ikaw ay nasa likod ng lalaki na may hawak na tatlong puting bulaklak. Tandang tanda ko pa yun suot mo green tapos pati yun lalagyan ng bulakalak ay green din, malayo pa ay nakangiti kana sa akin. Di ako makatingin noon kasi maraming tao, pilit ko itinatago yung kilig ko kahit na ang totoo gusto ko mahihiyaw sa tuwa, tyumakbo palapit sayo at yakapin ka. yung mga estudyante ng PUP kinikilig, ako napayuko hanggang sa lumapit ka, nahihiya ako, napa- flattered ako kasi pakiramdam ko ang ganda ganda ko. Napakaswerte ko sayo. Niyaya mo ako sabi mo may pupuntahan tayo, dinala mo ako sa bluroze farm sa may lipa, ang ganda doon, sayang lamang at wala tayong camera. Maya maya pa nakita natin yun tower, alam mong takot ako sa matataas na lugar pero niyaya mo ako doon, dahil sa kasama kita nabawasan ang takot ko at nagtiwala ako sayo, sumama ako sa taas. Pagdating natin sa taas nakaupo tayo habang magkatalikod, tumayo ka at inalalayan mo din akong tumayo, sabay bunot sa bulsa mo ang isang maliit na kahon. Nakakatawa pero akala ko noon magpo-propose kana, kala ko talaga yayayain mo na ako magpakasal. Noong binuksan mo ang kahon isang bracelet ang laman nito ang ganda. Unang beses ko makatanggap ng regalo mula sa isang taong mahal na mahal ko. Palagi mo ako dinadala sa magagandang lugar, noong 6th anniversary natin dinala mo ako sa lucban quezon. Ang totoo natatakot ako noon kasi parang ang layo layo na natin baka di na tayo makauwi, pero pinramdam mo sa akin na kapag kasama kita secured ako.. ang ganda doon sa kamay ni hesus kahit sandali lamang tayo doon ay sobra akong nag-enjoy. Salamat sa pagdadala sa akin sa mga magagandang lugar.  Ilan lamang iyan sa mga di ko malilimutang mga sandali sa piling mo. Yung iba andito pa din sa puso ko. Di ko malilimutan.

          Kung ano man ang cynthia ngayon dahil yun sayo, dahil sa pagmamahal mo, nabuo mga pangarap ko, nabuo ang pagkatao ko. Malayong malayo na ko sa dating ako, na sarili ko lang ang iniisip. Nang dahil sayo natuto akong magmahal at magpahalaga sa mga bagay-bagay sa mundo. Naging masaya ako, nakita ko kung gaano kasaya ang mundo, lalo na kung nagmamahal at minamahal ka. Pinilit kong matutunan ang mga bagay-bagay na ikatutuwa mo. Nag-aral ako magluto para ma-impress kita, at kahit di ako ganoon kagaling, natutuwa ako tuwing kinakain mo ang niluluto ko, na kahit di naman talaga masarap ay sasabihin mo pa ding na masarap. Nag-aral akong mabuti para sayo, kasi gusto ko matupad yun mga pangarap natin. Pinasok din natin ang pagnenegosyo at dahil sayo nagustuhan ko ito, noong una natutuwa ako kasi nagkakaroon ako ng dahilan para palagi umalis ng bahay dahil sa negosyo at para na din makasama ka. Naging ok naman di ba? Kumita tayo napakinabanggan natin yun, dahil sayo nadiskubre ko yun hilig ko yung porte ko magaling pala ako magbenta..

          Madaming pagsubok ang dumating sa atin. Nandiyan yoong pinipigilan din tayo ng magulang ko sa relasyon natin pero lumaban tayo, di tayo sumuko.kahit pa nga sa ilog tayo magkita, sa tulay.. naalala mo pa yun? Ang lugar na yun ay naging espesyal sa akin. Minsan kahit alam ko na di ka pupunta dun kapag nalulungkot ako pumupunta ako dun. Minsan din naging problema natin ang pera, pero nakaya natin, nagtulungan tayo. Kung ano ang meron ang isa ay para sa ating dalawa, hindi natin pinagdamutan ang isa't isa sa halip ay nagdamayan tayo. Naalala ko pa yung mga panahong tinulungan mo ako sa pag-aaral ko, halos mawalan na ako ng pag-asa noon. Pero ikaw ang naging ilaw ko, sinuportahan mo ako. Binigay mo ang lahat sa akin, gayon din ako sa iyo. Ngunit may mga pagkakataon pa din nahindi natin maiiwasan ang mga away at alitan, nandyan yung pati mga magulang natin ay nakikialam na sa away natin magkabati lamang tayo. Natutuwa ako minsan, kapag nag-aaway tayo, kasi gustong gusto ko kapag inaamo mo ako, kaya lang minsan mainit ang ulo mo at dala na din ng galit, iniiwan mo ako. Pero di ako nagalit sayo kahit iniiwan mo ako, nayon nga mas naiintindihan ko na, kaya ka pala lumalayo noon kasi ayaw mo akong masaktan, ayaw mo makapagsalita ng di maganda. May mga maliliit na bagay at may mga malalaking bagay na nagiging dahilan ng di natin pagkakaunawaan. Maaring dahil parehas tayong panganay kaya ayaw magpatalo ng isa't-isa, o kaya dahil dala lamang ng kabataaan at wala pa sa hustong pag-iisip. Alam ko madami akong mga maling desisyon noon, dahil sa padalos-dalos na pagpapasya. Hindi ko na iniisip ang mga magiging kahihinatnan ng mga ginagawa ko. Sa huli pinagsisihan ko lahat iyon, lahat ng pagkukulang ko sa iyo ay labis kong pinagsisishan, kung mas inunawa lang sana kita.
           Nalimutan ko isa pang pagsubok ay noong nakagat ako ng ahas,  alam ko nahirapan ka din noon, tinatagan ko ang loob ko sabi ko sa sarili ko di pa ko puwede mamatay kasi kawawa ka, ayokong malulungkot ka ng dahil sa akin. Hindi mo ako pinabayaan noon, salamat ha, noong mga panahong hirap na hirap ako at hindi makalakad, inalalayan mo ako at pinangiti. Lalo kitang minahal noon. At ang huling pag-subok na kinaharap natin ay ang pagbabago mo. Eto na yata ang pinakamahirap sa lahat kasi kahit anong pilit ko ata wala na akong magagawa para maibalik ang dati sa lahat. Kasi hindi na lang ito tungkol sa ating dalawa may isang tao na ding involve. Masakit para sa akin pero tinanggap ko ito. Wala naman akong choice eh, kung meron man hindi ko pipiliin na mawala ka, kaya't ang pagtanggap ang mas pinili ko. Masakit sa akin ang unti unting pagkawala ng relasyong pinagkaingatan natin, ang pag-ibig na ipinaglaban natin. Bilang isang taong nagmamahal, masakit sa akin na ang naging dahilan ng pagkawala ng pagmamahal mo sa akin ay dahil sa mga pagkukulang ko at dahil sa nakakita ka na ng taong handang magpuno ng mga iyon. Gumuho ang lahat ng pangarap ko, nagulo ang isip ko, ang puso't isip ko litong lito. Di matanggap ng buong pagkatao ko. Kung nalaman ko lang ng mas maaga, naagapan ko sana. Kung naging mas mabuti lang sana ako sa iyo di sana nangyari lahat ito. Sobra ang pagsisi ko. Nawala na ang lalaking pinapangarap ko, noong bata pa ako hanggang sa ngayon. Hindi na ako prinsesa, paano naman ako magiging prinsesa kung wala na ang prince charming ko?

          Lahat ng mga alalaalang ito ay mananatili sa puso ko habang buhay, madami man ang nagsasabi na itigil ko na ito, na kahit ikaw mismo ay ayaw mo na din sa patuloy na pag-asa kong babalik ka pang muli sa akin. Alam ko na hindi ko kailan man madidiktahan ang puso ko na tumigil sa pagmamahal sa iyo. Kung sakaling dumating ang araw na handa ka ng bumalik sa akin, wag ka mag-alala tatanggapin kita ng buong puso at wala na akong pakialam pa sa mga nangyari sa iyo o kahit na anong sasabihin ng ibang tao basta handa pa din akong mahalin ka ng buong buo. Kung sakali mang hindi dumating ang araw na iyon, patuloy ko pa din aantayin. Kung matapos man ang buhay ko na di dumating yung araw na yun malay natin sa kabilang buhay ako na ulet ang mahal mo. Kapag nangyari yun hinding- hindi ko na hahayaang mawala ka sa akin.

          Sorry kung napakahaba nito, di ko alam kung maibibigay ko pa ba sa iyo ito. Pero kulang pa yan eh, kaya ko yatang makabuo ng isang libro kapag isinulat ko ang kwento ng pag-ibig natin. Kagabi hindi ako makatulog sa pagbabasa ng mga message at post mo sakin sa fb, ngayon madaling araw na di pa din ako makatulog kaya naisulat ko ito..
(11/4/12-1:10 a.m.) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento