Linggo, Nobyembre 11, 2012

unang hakbang


hi... patatlong araw pa lang kitang iniiwasan pero parang di ko na kaya... gusto ko na sumuko at itext ka, kahit na alam ko na hindi mo talaga inaantay yun text ko, alam ko na hindi mo gugustuhin na makita ako. Iniisip ko kung masaya ka na ba ngayong wala na ako sa buhay mo? Ako hindi eh, sobrang lungkot ko talaga. Hirap na hirap ako, araw-araw pa din kitang iniisip.. naalala ko ng malinaw ang lahat. Kagabi binabasa ko yung mga post mo sa timeline natin, mahal na mahal mo ako.. ramdam ko, sana hanggang nayon ganun pa din, ayoko umiwas pero sobra na akong nasasaktan sa mga ginagawa mo. Nasasaktan ako sa sinabi mo na tumigil na ako, kahit ayaw ko, pakiramdam ko eto na ang kailangan, pero katulad ng sinabi ko sayo hindi pa din ako susuko. Hindi ako yun tipo ng tao na basta nasuko, at hindi din ikaw yun tipo ng tao na basta na isinusuko. Kailangan ko lang lumayo para mahanap ang sagot sa mga tanong ko. Ang totoo sinisisi ko ang sarili ko sa mga nagyayari sa atin, patawad sa lahat ng mga pagkukulang ko. Siguro di ako deserving para sa second chance kaya di mo naibigay yun. Alam ko na sinubukan mo, pero di talaga magwork, alam mo ang hirap kasi sa loob ng pitong taon halos lahat na inilaan ko sayo, oo talagang umasa ako sayo ng sobra-sobra. Patawad sa lahat ng mga nagawa ko noong mga nakaraang araw, dahil sa kagustuhan kong maibalik ka lalo ka lang nagalit at lumayo sa akin, masyado ko ipinilit ang sarili ko sayo, sana hinayaan na lang pala kitang magdesisyon, akala ko lang kasi may magagawa pa ako para maibalik ko ang lahat... naging masaya tayo di ba? Kahit nga ngayong di na ako, kapag magkasama tayo ramdam ko na masaya ka pa din naman sa akin. Gusto ko pa din gumawa ng paraan para mabawi ka. Ikaw pa din ang gusto ko makasama sa pagtanda ko, hanggang sa huling hininga ko. Katulad ng mga pangarap natin dati. Alam mo kung sakaling babalik ka sa akin.. tatanggapin kita ng buong buo, mamahalin pa din kita. Wala na ako pakialam sa mga nangyari, basta ang mahalaga bumalik ka sa akin.

-cynthia

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento