Lunes, Disyembre 24, 2012

Para sa akin


Mahal kita, hindi kita iiwanan. Iwan ka man ng lahat ng tao sa mundo, sasamahan kita hanggang sa dulo.
Huwag ka ng malungkot maraming bagay lang talaga sa mundo ang hindi nakalaan para sa iyo. Naniniwala akong darating din ang para sa iyo.
Natutuwa akong mukhang nalalampasan mo ang sakit, lungkot at hirap ng masaktan at iapagpalit ng taong mahal mo. Naniniwala din akong kaya mong panindigan ang mga desisyon mo, may tiwala ako sayo na alam mo ang ginagawa mo. Hindi ka man naiintindihan ng ibang tao alam kong kaya mo. Hindi ka basta bastang babae, hanga ako sayo sa maraming bagay. Angat ka sa iba, magaling ka, matalino at maganda. Bulag lang ang hindi makakapansin sa kagandahan mo. Mabait ka at tinong babae, hindi ka katulad ng iba na basta basta lang. Hindi ka pumapayag na naapi ka ng iba, ipinaglalaban mo ang alam mo tama at tinututulan ang mga nakikita mong mali. Magaling ka at angat s aiba pero hindi ka din naman perpekto, pero saludo ako sayo na sa kabila ng mga pagkakamali mo ay ginugusto mong itama ito at baguhin para sa sarili mo at sa mga taong naapektuhan mo. Hanga din ako sayo kung paano mo hiharap ang mga problemang dumarating sa buhay mo, oo't mkailang beses ka ng sumuko, at halos bumigay na pero kalimutan mo na iyo ang mahalaga ay nalampasan mo lahat iyon at heto ka mas lalaong tumibay. Ngayong alam mo na ang mga mali mo sanay huwag mo ng gagawin ulet . Isa lamang ang hiling ko para sa iyo, na sana isang araw makikita na kita na muling masaya. Umaasa akong darating agad ang araw na iyon. 

Para sa lalaking mahal ko


ikaw na nakasama ko noong bata pa tayo,ikaw na bumuo sa pagkatao ko. Ikaw na lubos na nakapag pasaya sa akin, at ikaw din na nagparamdam at nagparanas sa akin ng sobrang sakit. Ikaw na sobra kong minahal, ang nag-iisang taong nakasama ko at napagbahagian ng buhay ko. Ikaw ang isa sa mga pinakaimportanteng parte ng buhay ko, hindi mabubuo ang kwento ng buhay ko kung hindi ka dumating at binigyang kulay ang bawat pangarap ko. Gusto ko panatilihing masaya at buo lahat ito.
Alam mo ba na sa tuwing gigising ako sa umaga ikaw agad ang nasa isip ko, iniisip ko kung paano tayo magkikita sa araw na yun, paano kapag nagkita tayo, anu-anong mga bagay kaya ang pwede natin gawin para mag-enjoy tayo. Iniisip ko din kung paano ba kita mapapasaya, gusto ko tumamatak sa isip at puso mo yung bawat segundo sa bawat araw na magkasama tayo. Para sa pagtanda natin marami tayong magagandang ala-ala na maari nating pagkwentuhan. Ikaw, ang gusto ko makasama sa pagtanda ko. Tayong dalawa ay magkatabi at inaalala ang lahat ng masasayang bagay na pinagsaluhan natin kahit pa nga siguro yung mga hindi gaanong magandang bagay at sabay natin pagtatawanan lahat ng mga nakalipas na pangyayari sa buhay natin kasi kahit anu mang problema ang dumaan at sumubok sa atin heto tayo at magkasama pa din. Iyan ang pangarap ko na gusto kong tuparin kasama ka. Ikaw na lalaking mahal ko. Alam mo bang masaya ang buhay ko dahil sayo, makita lang kita buo na ang araw ko. Kaya kabaligtaran ang nangyayari kapag hindi kita nakikita, para bang guguho ang mundo ko. Nalulungkot ako kasi alam ko na sa tuwing hindi kita  nakikita siya ang kasama mo. Pero anong magagawa ko, ikaw ang gusto ng puso ko. Para sa akin nag-iisa ka at walang taong makakahigit sayo. At handa akong ibigay sayo lahat ng kaya ko, maging masaya ka lamang. Kaya't heto ako minamahal kita ng tahimik, kahit hindi ganito ang gusto ko. Kahit na ang totoo ay gusto ko din suklian mo ang pagmamahal ko sayo, kahit alam kong hindi ako ang nakakapagpasaya sayo dahil hindi ako ang babaeng mahal mo. Handa pa din akong mag-intay at mahalin ka sa paraang kaya ko. Hanggang sa dumating ang araw na pinakaiintay ko, ang bumalik ka sa akin at handa ka nang mahalin ulet ako.